Mayroong 15 pamilya mula sa Punta, Sta. Ana, Manila ang nawalan ng tirahan kasunod ng 40-minutong sunog kahapon.

Iniulat ng Manila Fire Department (MFD) na nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng tatlong apartment sa 1714 Road 4, Bagong Sikat, Punta, Sta. Ana sa Manila.

Ang bahay ay inookupa ng isang Renato Estrera.

Sumiklab ang sunog dakong 10:10 ng umaga sa Road 4, Barangay 903 at umabot sa ikatlong alarma bago naapula dakong 10:58 ng umaga.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tinupok ng apoy ang tinatayang P30,000 halaga ng ari-arian. Walang nasaktan sa insidente.

Ayon kay Superintendent Jaime Ramirez, hepe ng MFD, electrical jumper ang pinagmulan ng sunog ngunit patuloy pa nila itong iniimbestigahan. (Jenny F. Manongdo)