DAGUPAN CITY, Pangasinan – Sampung katao ang iniulat na hinimatay nitong Linggo ng gabi, dahil sa matindi ang init ng panahon nang idaos ang ikatlo at huling presidential debate sa Phinma University of Pangasinan sa siyudad na ito.
Umabot sa 36 degrees Celsius ang temperatura nitong Linggo sa Dagupan, at pinalala pa ang init ng panahon ng dami ng taong dumagsa sa unibersidad, na pumalo sa 15,000, kasama ang mga nagsagawa ng campaign rally.
Sa panayam kay Dagupan City Police chief Supt. Christopher Abrahano, agad namang nabigyan ng first aid ng medical team ang mga biktima. (Liezle Basa Iñigo)