Dinagsa ng kabataan at mga miyembro ng table tennis club sa Kamaynilaan at karatig lalawigan ang isingawang summer table tennis clinic ng Philippine Table Tennis Academy (PTTA) kamakailan, sa Mandaluyong Elementary School Gymnasium sa Mandaluyong City.
Ikinatuwa ni PTTA President Jon Ebuen, dating Philippine No.1 men’s player, ang malugod na pagtanggap ng kabataan sa summer camp na may layuning palakasin ang kamalayan sa sports.
“We made this first ever Summer Table Tennis Camp to increase the awareness of the kids on how to play table tennis,” sambit ni Ebuen.
“I would like to thank also all the participants who attended the camp, the parents, and the government of Mandaluyong City for making this Summer Camp possible.”
Bukas ang programa para sa lahat kung saan nagbibigay ng kaalaman para sa basic, intermediate at advance table tennis. Kabilang ang mga pamosong national coach na sina Bhong Allorde, Gener Galang at Myralee Joy Bulda sa nagsisilbng trainor sa camp.
“I really wanted to make table tennis the mainstream sport like basketball and volleyball that’s how I envisioned it together with the PTTA,” ayon kay Ebuen.
Umaasa rin si Ebuen na malaki ang maitutulong sa pagsulong ng sports sa tagumpay in Ian Lariba kamakailan sa Olympic qualifying sa Hong Kong. Nakamit ni Lariba ang ika-11 puwesto para makalaro sa Rio Games sa Agosto.