Ni Angie Oredo
Sasabak ang 43-man Philippine youth team sa 17th ASEAN Age Group Chess Championship sa Mayo 29 hanggang Hunyo 7, sa Dusit Thani Hotel sa Pattaya, Thailand.
Sinabi ni NCFP executive director at Grandmaster Jayson Gonzales na kumpirmado na ang paglahok ng bansa na binu buo ng 22 lalaki at 21 babae. Aniya, ang ipadadala ay ang mga atleta na magpapamalas ng kahusayan sa gaganaping 2016 NCFP National Age Group Chess Championships Grand Finals sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa Laoag City, sa Mayo 10.
Tanging si International Master Paolo Bersamina ng National University ang hindi lumaro sa Finals, samantalang ang lahat na ay top three winners sa kani-kanyang kategorya.
“But we will included him (Bersamina) in the national delegation simply because we want to win more medals for our country,” phayag ni Gonzales.
Pangungunahan ang girl’s under-20 years old nina Woman International Master Bernadette Gonzales, National Master Jean Karen Enriquez, at FIDE Master Marie Antoinette San Diego; habang pambato sa under-18 sina WFM Shania Mae Mendoza, Janin Crisologo, at Samantha Glo Revita.
Pambato naman sina Allaney Doroy, Bea Mendoza at Alexis Anne Osena sa U16; Kylene Joy Mordido, Eula Djemarie dela Cruz at Mary Joy Tan sa U14; Ruth Joy Vinuya, Ma. Elayza Villa at Jerlyn Mae San Diego sa U12; Marjeri Janapin, Roilanne Marie Alonzo at Nathalie Liscano sa U10; at sina Ruelle Canino, Daren dela Cruz at Kristina Concepcion Belano sa U8.
Ang komposisyon ng boy’s squad ay tatampukan nina Bersamina, Joshua Arias, Vince Angelo Medina at John Ray Batucan sa below-20 yrs. old; John Merill Jacutina Brylle Vinluan at Jeth Romy Morado sa U18; John Marvin Miciano, Dale Bernardo at Darry Bernardo sa 16U; Stephen Rome Pangilinan, Raishi Boy Polan at Japheth Aaron Caresosa sa 14U; Daniel Quizon, Michael Concio at Justin Mordido sa 12U; Mark Jay Bacojo, Robert James Perez at Jerish John Velardo sa 10U; at sina Chergaets Andres atThyrone Jacutina, Jr.