Palitan ang password sa lahat ng accounts sa Internet.

Ito ang panawagan ng Malacañang sa publiko kasunod ng pag-hack sa website ng Commission on Elections (Comelec) noong Marso, at pag-a-upload online ng mga personal na impormasyon ng libu-libong botante.

Sinabi ni Undersecretary Manuel Quezon III na magkakaroon ng “two step verification process” para masiguro na walang madaling maka-access sa mga impormasyon na inilalagay sa mga account online.

Mahalaga rin, aniya, na mag-ingat sa pagbubukas ng mga email at iwasan ang pagbubukas ng mga unsolicited link sapagkat marami, aniya, ang mga naniniktik dito para makakuha ng personal na impormasyon na gagamitin sa ilegal na gawain.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Siguraduhin din, aniya, na kakilala ang mga nagpadala ng mga link upang maiwasan ang tinatawag na “phishing” o ilegal na pagkuha ng sensitibong impormasyon, kagaya ng username, password, at detalye sa credit card. - Beth Camia