NAIROBI, Kenya (AP) — Nilagdaan na ni Kenya President Uhuru Kenyatta ang batas na magpapataw ng kasong criminal sa mga atletang gagamit ng ipinagbabawal na gamot, gayundin ang sinumang may kinalaman sa “drug cheating”.

Bilang tugon sa bantang sanctioned sa paglahok sa international tournament, kabilang na ang Rio Olympics ng World Anti-Doping Agency, pinirmahan bilang batas ni Kenyatta ang anti-doping bill na binuo ng mga mambabatas sa bansa.

Batay sa bagong batas, papatawan ng $30,000 multa at pagkakulong ng isang taon ang sinumang atleta na mapapatunayang nandaya sa doping test.

Mas may ngipin ang batas sa nais ng WADA. Hindi komporme ang WADA na isailalim sa kasong criminal ang atletang papalya sa doping test.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Let me be clear that this law is the continuation, not the end, of our efforts to stand against cheating and corruption in the sporting and athletics arena,” pahayag ni Kenyatta.

“Let it also be clear that those who show contempt for the law will be punished,” aniya.