Abril 25, 1874 nang isilang ang radio pioneer na si Guglielmo Marconi sa Bologna, Italy. Inimbento rin niya ang Marconi’s Law, at ang radio telegraph system.

Noong bata pa, gumagawa siya ng scientific toys, at binabaklas at muling binubuo ang mechanical objects. Nag-aaral si Marconi sa Livorno Technical Institute nang nagsimula siyang mag-eksperimento sa radio waves.

Si Marconi ay isang kapitalista, negosyante, at may-ari ng The Wireless Telegraph & Signal Company sa Britain noong 1897.

Taong 1901 nang siya ang maging kauna-unahang tao na nakipag-ugnayan sa Atlantic Ocean sa pamamagitan ng wireless technology. Pumanaw si Marconi noong Hulyo 20, 1937.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'