Mabuti na lang.

Ito ang reaksiyon ni Albay 1st District Rep. Edcel ‘Grex’ Lagman sa desisyon ni Albay Gov. Joey Salceda na ilaglag si Liberal Party standard bearer Mar Roxas upang suportahan si Sen. Grace Poe, ng Partido Galing at Puso.

“Hindi na nasorpresa ang mga lider ng LP sa Albay sa ipinamalas na pagkatraydor ni Salceda. Tinitiyak namin na ang mga kandidato at kapartido ng LP sa lalawigan ay solid pa rin sa Mar-Leni tandem,” pahayag ni Lagman.

“Ngayon, mas malinaw ang battle line. Pampabigat lamang si Salceda dahil sa kanyang dubious integrity at patent disloyalty. Mas makabubuti sa LP na wala si Salceda,” dagdag ni Lagman.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nitong Biyernes, nagulantang ang hanay ng partido ng administrasyon nang biglang ihayag ni Salceda na bibitiw na siya sa Liberal Party upang suportahan ang kandidatura ni Poe.

“I am Gov. Salceda and my President is Grace Poe,” saad sa post ni Salceda sa kanyang Facebook account.

Natuldukan ang mga espekulasyon na matagal nang lumulutang hinggil sa hindi pagkakasundo ni Salceda at ng ibang opisyal ng LP, bagamat bumisita si Roxas at katambal nitong si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa Albay kamakailan. - Aaron Recuenco