DINAMULAG MANGO FESTIVAL MASINLOC, ZAMBALES

Sinulat at mga larawang kuha ni JOJO RIÑOZA

MULING naging matagumpay ang selebrasyon ng mga Dagupenyo ng Bangus Festival 2016  na tinampukan ng paligsahan ng mahuhusay na street dancers sa Pangasinan at mga kalapit probinsiya.

Muling nasungkit ng Bangus Festival sa ikatlong pagkakataon ang titulo bilang undisputed champion sa Festivals of the North noong Abril 15, 2016 na ginanap sa Dagupan City Plaza.

Tourism

ALAMIN: Mga puwedeng pasyalan sa Metro Manila sa Pasko at Bagong Taon

Nilahukan ang paligsahan ng street dancers mula sa Halamanan Festival ng Guiguinto, Bulacan, Dinamulag Mango Festival ng Masinloc, Zambales, Abel-Iloko Festival ng Caoayan, Ilocos Sur, Pamulinawen Festival ng Laoag, Ilocos Norte, Mannalon Festival ng Solsona, Ilocos Norte, Mango-Bamboo Festival ng San Carlos City, Goat Festival ng Balungao mula sa Pangasinan.

Naging mahigpit na katunggali sa kampeonato ng Bangus Festival ng Dagupan City ang Dinamulag Mango Festival ng Zambales na siyang pumangalawa. Nagsimula ang mahigpit na labanan na ito noong 2014 sa paglulunsad ng Festivals of North.

Naiuwi naman ng Halamanan Festival ang premyo sa pangatlong puwesto, pang-apat ang Pamulinawen at panglima ang Abel-Iloko.

Tinanggap ng Bangus Festival ang P400,000 grand prize at P20,000 para sa pinakamagaling sa pagparada sa street dancing. 

Inuwi naman ng Dinamulag Mango Festival ang premyong P200,000 cash prize at P40,000 para sa minor awards, Best in Costumes and Best in Props for P20,000 each.

Ang Halamanan Festival ay tumanggap ng P80,000; P60,000 sa Pamulinawem at Abel-Iloko Festival P50,000.

Pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez ang awarding ceremony, pagbati sa lahat ng mga nagwagi at pasasalamat sa mga nakibahagi at mga bisita kabilang ang panel of judges na rekomendado pa ng  National Commission on Culture and the Arts.