Isasagawa ang drawing of lots para sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Club Championship sa Miyerkules, sa Foton showroom sa Quezon City.

Pamumunuan nina AVC technical delegate Jaksuwan Tocharoen at AVC marketing and development committee chairman Ramon "Tats" Suzara ang pagsasagawa ng seremonya na magdedetermina sa magiging komposisyon ng mga kasaling bansa sa pool play sa pang-unang round.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) ay maghohost ng Asian tournament sapul na pormal na kilalanin bilang opisyal na national association sa volleyball sa bansa.

Ang Pilipinas ay irerepresenta ngayong taon ng Foton, ang kasalukuyang PSL Grand Prix champion, at inaasahan na mapupunta sa Group A bilang insentibo sa pagho-host at ang ikapitong puwesto nakaraang taon na Vietnam.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Hindi pa inihahayag ng Toplander ang kanilang final lineup bagaman ninanais nitong ibalik ang American star na sina Lindsay Stalzer, Ariel Usher at Kristy Jaekel na kinukonsidera nito bilang kanilang imports maliban pa sa paghiram sa mga PSL player mula sa ibang koponan para mabuo ang isang matindi at malakas na lineup.

“The PSL is solidly behind Foton in its goal of forming the best team possible,” sabi lamang ni PSL president Ramon “Tatz” Suzara. “They don’t want to just simply compete, but they want to make a serious run for the crown and make our country proud.”

Maliban sa Vietnam, Thailand at Japan, ang iba pang bansa na sasabak ay ang powerhouse clubs mula sa China, Chinese Taipei, Kazakhstan, North Korea, Iran, Turkmekistan, Hong Kong, Indonesia at Malaysia.

Matapos isagawa ang matagumpay na Asian U23 Women’s Championship, lumahok din ang Pilipinas sa iba’t ibang internasyonal na torneo tulad sa AVC Asian Seniors Women’s Championship sa China, ang 28th Southeast Asian Games sa Singapore, ang AVC Asian U23 Men’s Championship sa Myanmar, ang AVC Asian Women’s Club Championship sa Vietnam at ang AVC Asian Men’s Club Championship sa Taipei.

Pinalawig din nito ang pakikipagkaisa sa ilang invitational tournament tulad ng VTV Cup sa Vietnam at sa Thai-Denmark Super League sa Thailand kamakailan.