Hanggang ngayon na lang ang ibinigay na palugit ng Abu Sayyaf Group sa apat na dinukot sa Samal Island, na kinabibilangan ng tatlong dayuhan at isang Pinay, na palalayain ng grupo kapalit ng P300-milyon ransom.

Samantala, patuloy na ipinaiiral ng militar ang “no ransom policy” at pilit na ginagawa ang lahat ng paraan para mailigtas sina John Ridsel at Robert Hall, kapwa Canadian; ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad; at ang Pinay na si Marites Flor.

Nagtungo noong Sabado si acting Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Glorioso Miranda sa Western Mindanao Command (WesMinCom) sa Zamboanga City para alamin ang estado ng military operation laban sa Abu Sayyaf.

Nagsagawa rin ng closed door meeting si Miranda kasama ang mga ground commander, sa pangunguna ni WesMinCom chief Lt. Gen. Mayoralgo Dela Cruz.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang pagbisita ni Miranda ay matapos siyang italaga bilang acting AFP chief.

Nagbanta ang mga bandido na pupugutan nila ang apat na bihag kapag hindi naibigay ang hinihingi nilang ransom kapalit ng kaligtasan ng mga biktima. - Fer Taboy