ITATAMPOK ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang taxi driver na sumikat sa social media dahil sa kanyang ibinebentang peabut butter. At may espesyal na pasahero pa siyang makakaharap — si Jessica Soho.

Marami ang naantig sa Facebook post ng art director na si Troy Sitosta nang gawan niya ng libreng label ang ibinebentang peanut butter ng taxi driver na si Mang Roderic. Abot-langit naman ang pasasalamat ni Mang Roderic dahil simula nang nai-share online ang kanyang kuwento, dumagsa ang mga umoorder sa kanya ng peanut butter. Sakto raw ito sa pampagamot ng kanyang anak.

Samantala, tutuklasin ng KMJS ang gandang hatid ng ilan sa pinagmamalaking sandbars ng iba’t ibang probinsiya: ang Manlawi Sandbar ng Caramoan sa Bicol, ang Sumilon Sandbar sa Cebu, at ang itinatagong ganda ng Digyo Sandbar sa Leyte.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Titikman din ng programa ang iba’t ibang pagkain sa World Street Food Congress na idinaos ngayong linggo sa Taguig. Makikita sa naturang event ang mga kilalang pagkaing-kalye mula sa iba’t ibang panig ng Asya, Amerika, at sa ating bansa. Aalamin ng KMJS kung alin sa mga ito ang swak sa panlasang Pinoy.

Abangan ito at ang iba pang kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho gabi, pagkatapos ng Ismol Family sa GMA.