Lalarga ang ikalawang session ng San Beda basketball camp simula Mayo 3, sa Mendiola campus.

Bukas para sa kabataan ang programa na nasa ika-11 season. Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan kay Oliver Quiambao sa 735-6011, local 2104, o 0947-8221544.

Isasagawa ang cage clinics para sa batang lalaki at babae, tuwing Martes at Huwebes, simula Mayo 3 hanggang 27, sa ganap na 1:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Magsisimula naman ang programa sa Taytay campus sa Mayo 12 hanggang Hunyo 2, tuwing Lunes at Huwebes ganap na 8:00 hanggang 11:00 ng umaga.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Ang registration fee ay P3,500 kasama ang libreng camp set na binubuo ng training shirts at bagong bola ng Molten ball.