Mababawasan ang mga aksidente sa lansangan sa tulong ng pinag-isang road safety at courtesy courses sa Basic Education Curriculum (BEC) ng Department of Education (DepEd).

Naniniwala si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Ariel Inton na magiging epektibo ang nasabing sistema laban sa dumaraming vehicular accident sa bansa.

Ayon kay Inton, kinakailangang sa murang edad ay maturuan na ang kabataan tungkol sa mga regulasyon sa kalsada at pagbibigay-galang sa mga motorista.

Kinakailangan aniyang isama ang nasabing usapin sa mga subject sa elementarya o sa high school, ngunit wala pa umanong kasagutan ang DepEd sa kahilingan ng LTFRB.

National

VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

Sinabi ni Inton na maisasabay sa pagbubukas ng Kto12 program ang implementasyon ng nasabing programa.

(Rommel P. Tabbad)