Magdaraos ang Korte Suprema ng special en banc session sa Mayo 3 para talakayin ang resulta ng 2015 Bar Examinations.

Ayon sa source, kabilang sa tatalakayin ng Supreme Court (SC) ang itatakdang passing rate.

Inaasahan naman na sa mismong araw ay lalabas na ang resulta ng pagsusulit, dahil pagkatapos ng en banc session, maaaring ide-decode na ang mga grado ng bawat bar examinee.

Naka-recess na ngayon ang Korte Suprema matapos ang kanilang 2016 summer session sa Baguio City nitong Abril 19.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Mahigit 7,000 ang kumuha ng bar examinations noong nakalipas na taon, na idinaos sa University of Sto. Tomas sa Maynila.

Sa 2014 Bar Exams, nasa 1,126 lang sa 5,984 na examinee ang pumasa. (Beth Camia)