Tatangkain ni Pinoy rower Edgar Ilas na makahirit ng slots sa Rio De Janiero Olympic Games sa pagsabak sa 2016 FISA Asian and Oceania Olympic Qualification Regatta sa Chungju, Korea.

Ito ang napag-alaman kina Rowing Association of the Philippines (RAP) coaches Nicolas Jasmin at Edgardo Maerina kung saan magtatangka ang three-time Southeast Asian Games medalist na mapasama sa maiksing listahan ng Pinoy na lalahok sa quadrennial meet sa Agosto.

“We had a good chance of landing a spot in the Olympics with Edgar Ilas,” sambit ni Jasmin.

Kasama ni Ilas na tumulak patungong Korea para sa torneo nitong weekend si Joannie Elgaco, kabilang sa piling atleta na nasa ilalim ng Olympic Solidarity program ng International Olympic Committee (IOC). Ang dalawa ay sumailalim sa pagsasanay sapul noong Abril 13 sa Korea.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Sasabak si Ilas sa singles category sa Lightweight Sculls kung saan tatlong beses itong nakapagwagi ng medalya sa nakalipas na pagsali sa SEA Games. Huli itong nagwagi ng pilak sa Myanmar at tanso sa Singapore.   

Ipinaliwanag naman ni Maerina na malaki ang tsansa ni Ilas na makatuntong sa Rio Olympics base sa itinakdang format ng Fédération Internationale des Sociétés d’Aviron (FISA) o International Rowing Federation.

“Mahihirapan tayo sa First 6 but considering the format, may tyansa tayo sa next 6,” sabi ni Maerina.  

Base sa format, ang mangungunang anim kada dibisyon sa qualifying ay mapupunta sa Class A at ang susunod na anim ay ikakategorya bilang Class B.  

Makakalaban ng Pilipinas sa qualifying ang China, Korea, Japan, Kazakshtan, Uzbekistan, Chinese Taipei at Indonesia.

Matatandaan na sumabak si Ilas kasama si Nestor Cordova sa Men’s 2000-M Lightweight Men’s Double Sculls noon sa Incheon Asian Games subalit kinapos sa kanilang Heat. (Angie Oredo)