Laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

5 n.h. -- SMB vs ROS 

Simula na ang mainit na bakbakan para sa hangad na makapasok ng finals sa pagitan ng top seed San Miguel Beer at No.6 Rain or Shine sa pagbubukas ng kanilang best- of-five semi-final series ngayon, sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakatakda ang duwelo ganap na 5:00 ng hapon.

Dumaan sa “butas ng karayom” ang Beermen laban sa 8th seed Star Hotshots sa quarterfinals, habang pinatalsik ng Elasto Painters ang No.3 Barangay Ginebra Kings.

Ayon kay Beermen import Tyler Wilkerson, kailangan nilang pagtuunan ng pansin ang depensa kung nais nilang magkampeon.

“That’s what we’ve got to do to win the next series and the championship. We got to play defense,” pahayag ni Wilkerson, humarbat ng 46 na puntos at 17 rebound sa panalo kontra Hotshots.

Para naman sa kampo ng Elasto Painters kailangan nilang paghandaan ang eksplosibong import ng Beermen bukod sa kanilang sentrong si Junemar Fajardo.

“Kailangan naming maging handa lalo na kay Junemar (Fajardo) at yung magaling nilang import na si Wilkerson,” pahayag ni JR Quiñahan, isa sa pundasyon ng katatagan ng ROS. (Marivic Awitan)