Miranda_Viñas copy

Inihayag ni acting Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Glorioso Miranda Lt. Gen. Glorioso Miranda na gagawin ng militar ang tungkulin nito upang tiyaking payapa, malinis at maayos ang idaraos na halalan sa Mayo 9.

Tiniyak din ni Miranda na mananatiling walang papanigang pulitiko ang AFP, lalo na sa eleksiyon.

Ito ang inihayag ni Miranda nitong Biyernes, nang pormal siyang hirangin bilang kapalit ng nagretirong si AFP Chief of Staff Lt. Gen. Hernando Iriberri.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sinabi pa ni Miranda sa tututukan ng kanyang pamumuno ang pagtugis sa mga kalaban ng estado, partikular ang mga lawless element, mga grupong rebelde at mga terorista.

Bukod dito, sinabi ng bagong leader ng AFP na magiging pursigido rin ang militar sa pagbabantay sa mga teritoryo ng bansa, partikular na sa mga nakapaloob sa exclusive economic zone at sa ipinaiiral na freedom of navigation sa West Philippine Sea. (Fer Taboy)