CEBU CITY – Upang matiyak na hindi mapuputol ang serbisyo ng kuryente sa halalan sa Mayo 9, hinimok ng Visayan Electric Company (VECO) ang publiko na huwag munang magpalipad ng saranggola isang linggo bago at matapos ang eleksiyon.

Nagseserbisyo sa metro Cebu area, sinabi ng VECO na nakapagtala ito ng 37 kaso ng lateral outages at limang insidente ng feeder wide outages dahil sa saranggolang sumabit sa linya ng kuryente.

Tinukoy ni VECO Vice President for Engineering, Engr. Valentin Saludes III, ang “kite-prone” areas na kinabibilangan ng mga barangay ng Punta Princesa, Tisa, Labangon, T. Padilla, Suba Pasil, Quiot Pardo, Bulacao Pardo, Ermita, Inayawan, Mambaling, at Duljo Fatima sa Cebu City.

Pinagbabawalan ding magsaranggola ang mga taga-Barangays Lawaan at Tangke sa Talisay City; at mga barangay ng Guizo at Looc sa Mandaue City. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito