NEW YORK (AP) — Pumanaw na si Michelle McNamara, isang manunulat at asawa ng komedyante at aktor na si Patton Oswalt, sa kanilang tahanan sa Los Angeles, ayon sa publicist ni Oswalt. Si McNamara ay 46.
Sinabi ni Kevin McLaughlin ng Main Stage Public Relations nitong Biyernes na namatay si McNamara habang natutulog noong Huwebes. Walang ibinigay na dahilan ngunit sinabi ni McLaughlin na ang pagkamatay nito “was a complete shock to her family and friends, who loved her dearly.”
Nagtapos ng pag-aaral si McNamara sa University of Notre Dame at kumuha ng master’s degree sa creative writing sa University of Minnesota. Siya ang bumuo ng website na True Crime Diary, na naglalabas ang breaking stories.
Sa isang panayam sa telepono noong 2007, sinabi ni McNamara na biru-biro lang nang magsimula siyang magsulat ng blog. “I wanted to get more involved in the cases that were fueling my own curiosity,” aniya.
Hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang pagpatay sa malalaking celebrity kundi ang mga ordinaryong mamamayan lamang.
Sinulat niya ang tungkol sa Golden State Killer at ang pagkamatay ng nurse na si Melanie Howell noong 1976.
“It’s the ones that really don’t get that much attention that interest me because I think what’s interesting about them is there’s more stuff to be unearthed that hasn’t been in the public yet and you can do it,” aniya.