Maria Sharapova

LAUSANNE, Switzerland (AP) — Itinakda ang ‘disciplinary hearing’ para kay tennis superstar Maria Sharapova hingil sa isyu ng droga.

Ayon kay International Tennis Federation president David Haggerty kamakailan tatagal nang hanggang sa tatlong buwan ang proseso na gagawin ng Tennis Integrity Unit at inaasahan mailalabas ang desisyon sa Hunyo.

Pinatawan ng ‘provisionally suspension’ ang 27-anyos tennis diva matapos na personal na ipahayag noong Marso 8 na positibo siya sa ipinagbabawal na gamot na ‘meldonium’ sa kanyang pagsabak sa Australian Open noong Enero.

NASA, inilabas larawan ng 'Christmas tree' mula sa kalawakan

Iginiit ng pamosong Russian netter na halos 10 taon na siyang gumagamit ng ‘meldonium’ na aniya’y gamot para labanan ang iba’t ibang uri ng karamdaman. Pormal lamang na isinama sa listahan ng ipinagbabawal na gamot ang ‘meldonium’ ng World Anti-Doping Agency nito lamang Enero 1.

Nais ng Russian Tennis Federation na makasama si Sharapova sa line up ng bansa sa Rio Olympics sa Agosto.

Hindi inalis ang provisional ban kay Sharova, sa kabila ng bagong pahayag ng WADA na wala pang direktang ebidensiya na nakatutulong ang naturang gamot sa performance ng isang atleta.

Ilan sa mahigit 200 atleta na nagpositibo sa ‘medonium’ ang nagsabi na hindi sila gumamit ng droga ngayong taon.

“For her, given her levels (of meldonium), it is not even a question,” sambit ni incoming WADA director general Olivier Niggli sa Associated Press.