Magsasagawa muli ang miyembro ng Azkals Philippine Football Team at starting goalkeeper na si Neil Etheridge ng football seminar at clinic simula sa Hunyo 9 sa Manila Polo Club sa Makati.

Nasa ikalawang taon, ang Neil Etheridge School of Goalkeeping ang natatanging football program kung saan ang mga estudyante ay direktang tuturuan ng iba’t ibang aspeto sa goalkeeping mula mismo sa dating miyembro ng Fulham Football Team na si Etheridge.

“I want to give back as much as I can, because really I’ve been the national team goalkeeper now since 2008. It’s been a long time,” sambit ni Etheridge.

Bitbit ni Etheridge ang oportunidad na makatrabaho ang tulad nina Mark Schwarzer ng Fulhan at FIFA World Cup finalist Martin Stekelenburg na nais nitong ibahagi sa mga nagnanais mag-aral at matuto mula sa mahabang panahon ng kanyang paglalaro at sa napakabata pa nitong football career.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I don’t believe that there’s a goalkeeping school that offers what I have to offer, with experience as much as I have in a goalkeeping sense,” aniya.

Matututunan sa Neil Goalkeeping School ng mga estudyante hindi lamang ang “art of stopping shots” kundi pati na ang “kicking” at ang “executing different saves” mula sa “low ones” at ang “high ones” gayundin ang cross taking, positioning at angled shots.

“There are so many things the goalkeeper has to do, and he has to be an outfield player as well as a goalie. You’re asked to do so much” sabi ni Etheridge.

Bagaman kinakailangan ang matinding pagsisikap sa mga estudyante, sinabi ni Etheridge na mas pabor ito na mag-enjoy ang mga lalahok para mas maintindihan at maunawaan ang ganda ng sports.

“The main thing is to enjoy it. They can expect enjoyment, it will definitely be fun,” aniya.

“Students can expect to be worked hard, but it’s gonna be fun and they’ve gone out after the course with new confidence. They’ve come out and become a better person, and I believe they’ve come out to become a better goalkeeper.”

Ang Neil Etheridge Goalkeeping School ay isasagawa simula Hunyo 9 hanggang 22, 2016 sa Manila Polo Club. Sa interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa [email protected] o tumawag sa +639179773111. (Angie Oredo)