Lagda na lamang ni Pangulong Aquino ang hinihintay upang lubos nang maging batas ang pagbaba sa edad ng mga aplikante na kukuha ng social workers borad exam. Mula sa 21 anyos, gagawin na lang itong 18 taong gulang.

Kapwa inaprubahan ng Senado at ng Kamara ang kani-kanilang bersiyon – ang Senate Bill 3024 at House Bill 5549. Noong Pebrero 4, 2016, in-adopt ng Kamara ang SB 3024 bilang susog sa HB 5549.

Ayon kay Rep. Evelina G. Escudero (1st District, Sorsogon), pangunahing may-akda ng HB 5549, dahil sa pagtatakda sa edad na 21 para sa social workers, nawawalan ng oportunidad ang mga mas bata na maging mga produktibong miyembro ng lipunan.

Ang Republic Act 4373 o “The Social Work Law” ay pinagtibay noong Hunyo 19, 1965 sa panahong ang edad ng karamihan ng social workers ay 21 anyos, ayon kay Escudero, vice chairperson ng House Committees on Higher and Technical Education, at ng Cooperative Development. (Bert de Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal