SAN JACINTO/COJIMIES, Ecuador (Reuters) – Humihingi ng pagkain, tubig at gamot ang mga survivor ng lindol na ikinasawi ng 570 katao at nagwasak sa mga baybaying bayan ng Ecuador, habang mailap ang ayuda sa malalayong bahagi ng disaster zone.
Sinabi ng gobyerno ni President Rafael Correa, nahaharap sa malaking hamon ng pagbangon sa panahong mahina ang kita sa langis sa OPEC nation, na walang kakulangan sa supplies ngunit problema ang distribusyon sa mahigit 25,000 biktima.
“We’re trying to survive. We need food,” sabi ni Galo Garcia, 65-anyos na abogado habang nakapila para makakuha ng tubig mula sa isang truck sa pamayanan ng San Jacinto. “There’s nothing in the shops. We’re eating the vegetables we grow.”
Sumigaw ang mga tao sa ‘di kalayuan, “We want food.”