Abril 24, 1916 nang magsimula ang “Easter Uprising”, nang may 1,600 militanteng Irish republican, na miyembro ng Irish Republican Brotherhood, ang sumalakay sa iba’t ibang mahahalagang lugar sa Dublin, Ireland, sa pag-asang makalalaya na mula sa British rule. Nagawang masugpo ng puwersa ng British ang rebolusyon makalipas ang anim na araw, at sumailalim sa court-martial ang mga leader ng nagsipag-aklas.

Iprinoklama ni Patrick Pearse ang “kalayaan” ng Ireland at ilang araw na naglaban ang mga rebelde at ang tropang British.

Idineklara ng mga awtoridad ang martial law, at 450 ang namatay sa kanilang panig. Aabot naman 3,000 tagasuporta ang naaresto, at kalahati sa kanila ang ikinulong nang hindi nililitis.

Aabot naman sa 15 leader ng mga rebelde ang pinatay sa pamamagitan ng firing squad.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'