Ilalabas na ng Commission on Human Rights (CHR) bukas, Lunes, ang resulta ng imbestigasyon nito kaugnay ng marahas na dispersal sa mga nagpoprotestang magsasaka sa Kidapawan City, North Cotabato, kamakailan.

Sinabi ni CHR Chairman Jose Luis “Chito” Gascon na sisikapin nilang isapubliko sa Lunes ang second draft ng report sa naturang imbestigasyon.

"Hopefully may second draft ng report by Monday. Kung okay na siya, as early as Monday afternoon makakapag-release kami ng full report or kung kailangan pa ng kaunting oras ay baka by Tuesday morning," pagbibigay-diin ni Gascon.

Aniya, 95 porsiyentong kumpleto na ang kanilang fact-finding report sa naturang kaso.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Tinukoy nito na noong magsagawa sila ng en banc session sa Cotabato ay iprinisinta ni Commissioner Gwen Pimentel-Gana ang 30-pahinang initial report ng fact-finding team.

Nakapaloob sa kanilang report ang detalye ng kanilang imbestigasyon mula sa local government at law enforcement officials, maging sa nagprotestang mga magsasaka.

Nakasaad din, aniya, sa report ang rekomendasyon ng fact-finding body sa usapin.

"I can tell you we had a long discussion on it, certain questions and clarifications were made this morning that necessitated ng isa pang pasada," ayon pa sa opisyal. (Rommel P. Tabbad)