Nakalapit ang Ateneo de Manila Blue Eagles sa target na back- to - back men’s championship matapos talunin ang National University, 23-25, 25-20, 25-17,25-18 kahapon sa Game One ng kanilang best-of-three championship match sa UAAP Season 78 volleyball tournament, sa Smart Araneta Coliseum.

Nabigyan pa ng yellow card si Blue Eagles team skipper Ysay Marasigan sa bungad ng second set matapos lumagpas sa kabilang court at tiningnan ng masama si Paolo Ancheta ng Bulldogs.

Mula roon, nagbago ang laro ng Blue Eagles hanggang sa tuluyang nagtabla ang laro sa 1-1.

Sa sumunod na dalawang sets, kontrolado ng defending champion ang laro sa pangunguna nina Marck Espejo, Marasigan, Ish Polvorosa, Karl Baysa, at Rex Intal.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

“Knowing Ysay, gusto lang nyang buhayin yung team.Gusto nyang ipakita as team captain na ‘laban’ sya kaya dapat yung mga teammates nya laban din,” pahayag ni Ateneo coach Oliver Almadro.

Nagtapos si setter Ish Polvorosa na may 58 excellent sets na siyang nagbigay daan para sa 55 attacks ng koponan, 18 galing kay Espejo at 11 kay Intal.

Nanguna si Espejo para sa Blue Eagles na may 21 puntos, kasunod sina Intal at Marasigan na may 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Naging topscorer naman para sa Bulldogs sina Ruben Baysac at Kim Malabunga na may tig-13 puntos at sina Madz Gampong at James Natividad na may tig-12 puntos. (Marivic Awitan)