Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes ng 30 araw ang dalawang kumpanya ng bus kaugnay sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa kalsada na kapwa nangyari noong Abril 22.

Siyam na unit ng Gurim Travel and Tours Co. ang sinuspinde matapos masangkot sa aksidente ang isa mga unit nito na may plate number DWX-480 sa Mataas na Kahoy, Batangas na nagresulta sa kamatayan ng apat na tao at ikinasugat ng marami pang iba.

Samantala, walong unit ng A. Prado Transport ang sinuspinde matapos isa sa mga unit nito na may plate number UVP-265 ang nasangkot sa aksidente sa Commonwealth Ave, corner Mindanao Ave Extension, Quezon City na ikinamatay ng tatlong katao, kabilang na ang isang buntis at ang nasa sinapupunan nito, at ikinasugat ng 11 katao.

Ipinatawag ang dalawang kumpanya ng bus, ang mga operator at driver nito sa pagdinig kaugnay sa insidente sa Mayo 3, 2016, 9:00 a.m. sa LTFRB headquarters.

Anak nina Marian, Dingdong nakatanggap ng regalo kay Olivia Rodrigo

Sasailalim ang mga driver sa safety seminar at drug testing. (PNA)