Umiskor si rookie Kyle Magdato sa krusyal na sandali sa first half para gabayan ang University of the Philippines sa 1-0, panalo kontra Far Eastern University kahapon, sa UAAP Season 78 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Matapos maharang ang naunang pagtatangkang maka- goal ni Feb Baya ni Tamaraws keeper Ray Joyel, umeksena si Magdato na nagsilbing winning moment para sa Fighting Maroons.

Dahil sa panalo, nakuha ng UP ang top ranking sa natipong 30 puntos na pormal namang nagbigay ng slots sa University of Santo Tomas at Ateneo sa semifinals.

Sa isa pang laro, nagtala ng dalawang goal si Gelo Diamante sa first half sa 4-0 panalo ng De La Salle sa Growling Tigers upang tumapos na pangalawa sa natipong 29 na puntos.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Magtutuos sa knockout semifinals, ang Maroons at ang Tigers habang magtutuos naman ang Green Archers at ang Blue Eagles sa rematch ng nakaraang taong Final Four.

Tabla sa 25 puntos ang UST at Ateneo, ngunit bumaba sa ikaapat na puwesto ang Tigers dahil sa goal difference.

“The competition is getting better and better,” pahayag ni De La Salle coach Hans Smit. “I have never seen this competition with six teams vying for the semifinals slots up to the last week. It has been a good season, I’m happy for the UAAP.”

Nagpakita ng consistent na laro ang Maroons na naging susi upang umabot sila ng Final Four kahit wala na sa kanila ang dating ace striker na si Jinggoy Valmayor.

“Of course, Jinggoy (Valmayor) has been very instrumental part of our campaign in the last five years. He has scoring goals for us. But I think this group, in terms of work ethic, in terms of fight and stability, it is as strong as it gets. Per position, we covered everything,” ayon kay coach Anto Gonzales ng UP. (Marivic Awitan)