REGINE copy copy

KAHIT busy si Regine Velasquez-Alcasid sa taping ng romanic-comedy series na Poor Señorita at sa kanyang cooking show na Sarap Diva sa GMA-7, at iba pang commitments, hindi siya nawawalan ng panahon para tumulong sa mga nangangailangan.

Nagkaroon ng Reborn fundraising concert si Regine kamakailan kasama ang asawang si Ogie Alcasid at ang best friend niyang si Jaya para ikalap ng pondo ang Anawin Home for the Aged sa Montalban, Rizal, na proyekto ni Bro. Bo Sanchez.

Si Regine pa ang nag-imbita ng singers na nag-guest sa concert kaya nag-perform din sina Alden Richards, Angeline Quinto at Sarah Geronimo.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

This week ay nag-post naman si Regine sa Instagram (IG) account tungkol sa bago nilang projekto na #LaborAkay na magaganap sa May 1 (Sunday), sa Pioneer Street Market, Reliance St., Mandaluyong City.

“This is an event of concerned artists in the entertainment industry to raise funds to provide for artists in need of medical emergencies. Event starts at 12:00 noon till 9:00 PM with celebrity bazaars from food and merchandise to auction of celebrity pre-loved items. Volunteer artists are set to provide our entertainment to patrons who will come and join with us in this fun and cause-filled happenings. Julio Diaz and Richard Merck are the first of our recipients. Admission is free.”

Nangailangan si Julio ng financial help dahil inoperahan ang kanyang brain, balitang maayos naman ang naging operasyon pero nangangailangan pa rin siya ng tulong para sa patuloy niyang pagpapagamot.

Nangangailangan din ng tulong si Richard para hindi maputol ang kanyang paa dahil sa diabetes. Siguradong hindi naman mabibigo si Regine sa panawagan niya sa mga kasama niya sa industriya dahil para naman sa isang napakamakabuluhang layunin ang proyektong ito. Good luck! (Nora Calderon)