MANAGUA, Nicaragua (AP) - Libu-libong Nicaraguan ang nagmartsa protesta bilang pagtutol sa panukalang interoceanic canal na ayon sa mga kritiko ay delikadong paalisin ang mga nasa rural areas at makapinsala sa kapaligiran.

Sa panayam sa telepono, sinabi ng aktibistang si Francisca Ramirez sa The Associated Press, na nais ng mga raliyista na respetuhin ng awtoridad ang kanilang karapatan sa lupa.

Ayon naman sa leader ng grupo ng mga magsasaka na si Jose Chavarria, patuloy na ipaglalaban ng anti-canal forces ang kanilang karapatan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture