HOUSTON (AP) — Iginiit ni Stephen Curry nitong Biyernes (Sabado sa Manila) na masosopresa siya sakaling hindi siya palaruin sa Game 4 ng best-of-seven first round playoff laban sa Houston Rockets.

Tangan ng Warriors ang 2-1 bentahe sa pagbubukas ng krusyal na sandali ng serye sa Linggo (Lunes sa Manila).

Napinsala ang kanang paa ni Curry sa Game 1 at hindi siya pinalaro ni coach Steve Kerr sa sumunod na dalawang laro.

Nagwagi ang Warriors sa Game 2, ngunit nakahirit ang Rockets sa Game 3.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Kumpiyansa ang reigning MVP na makalalaro na siya sa Game 4 matapos mabawasan ang kirot na nadarama sa na-injured na paa.

Para mabawasan ang pressure sa paa, sumabak si Curry sa 3-on-3 sa ensayo ng Warriors nitong Biyernes. Ngunit, nakadarama pa rin siya ng kirot sa bawat pagtatangka niyang mag-iba ng direksyon habang nagdi-dribble.

“Awful. It was just rusty. Got to get the flow and the mechanics and stuff. When you miss that time literally not doing anything it’s tough,” sambit ni Curry.

Plano ng coaching staff na isama siya sa scrimmage sa Sabado para muling masuri at masukat ang tindi ng pananakit ng paa.

“I think I can play through a little bit of discomfort and whatnot, especially in a playoff situation,” aniya.

“They kind of have the thought if there is any ounce of instability or doubt, to be on the more cautious side.”

“So any player that loves to play the game and wants to take advantage of these opportunities in the playoffs is going to push to get out there. Obviously, they have my best interest, but it’s kind of hard to take that advice and sit out. It’s a tough feeling,” aniya.