Pinoy_LP_Samar_06_Malacañang_180416 copy

“HELLO from Pampanga -- going to Bulacan later.”

Ito ang mensahe sa amin ng presidential sister na si Kris Aquino noong Huwebes, bandang alas dos ng hapon nang kumustahin namin.

Plano sana kasi naming hingan ng komento si Kris tungkol sa isyu sa pagsakay niya sa presidential chopper pero hindi na namin itinuloy, dahil nga tinext na siya ni Bossing DMB at sumagot na hindi na siya tulad nang dating Kris na palasagot sa anumang isyu.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kaya sa campaign rally sa Hagonoy, Bulacan, simple rin lang ang hiniling ni Kris sa supporters ng Liberal Party, base sa report ng Bandila noong Huwebes ng gabi.

“Binubugbog po ako sa social media, sinasabi mapang-abuso daw ang pamilyang Aquino, makapal daw ang mukha namin dahil ginagamit ko daw ang presidential chopper para mangampanya. Puwede bang ipagtanggol n’yo ako?”

Sinulat namin kahapon na hindi kuha sa kampanya ng LP ang pagsakay ni Kris sa presidential chopper kundi isinama siya ng kuya niyang si Presidente Noynoy Aquino sa inauguration ng Solar Power Plant sa San Carlos Ecozone, Barangay Punao, San Carlos City, Negros Occidental.

Sa pagpapatuloy pa ni Kris, “Ang mga guards na kasama ko, naloka na lang nang sinabi ko maglakad na tayo, dahil nakakahiyang paghintayin ang Hagonoy. Narinig ko si Leni Robredo ay nagsalita na. Sabi ko, ‘Hindi puwedeng paghintayin ko kayo.’ Kaya po ako hinihingal, tatlong kilometro po ang nilakad ko. Pero ginawa ko ‘yan dahil ang pamilyang Aquino, one hundred percent ang suporta kay Mar Roxas.”

Bukod sa pagtatanggol ni Presidential Communications Operations Sec. Herminio Coloma, Jr. kay si Kris, dinepensahan din siya ng kanyang Kuya Noy na inireport naman ng GMA 7 news.

“Alam naman n’yo ano, noong pagdating ng Martial Law, sino ba ang inasahan namin? Basically ‘yung nanay ko, kaming magkakapatid, okay. Itong pagtahak namin na pagkatagal-tagal na… Kris was one-year-old when Martial Law was proclaimed. So, dumating siya, nagkamalay siya kung kailan dapang-dapa kami bilang isang pamilya.

“Gusto ko namang ipakita sa kanya, ‘Tingnan mo ang resulta na talagang nagiging makabuluhan at may saysay itong demokrasyang ipinaglaban ng mga magulang natin. Siguro batid naman ng lahat na isa siya sa pinakamalaking individual taxpayer, okay.

“Ugali ko rin na kunyari merong, di ba, kapag kausap natin ang mga negosyante, ang turo natin, ‘May ginawa kayong ganito, may potensiyal na ganyan.’ Kung kailangang isakay ko sila doon sa helicopter, isakay ko para minsanan ma-dialogue, makita ‘yung vision.

“Whether as an individual taxpayer or somebody who was very close to me, who shared all of the burdens, I think it’s just but proper na i-share naman the successes. Share kami sa hirap, share ko na rin iyong success,” pagtatanggol ng presidente sa kanyang bunsong kapatid. (REGGEE BONOAN)