Pag-aagawan ang mga nakatayang silya sa pambansang koponan sa pagsasagawa ngayon ng National Jiu-Jitsu Championships sa SM Sucat sa Parañaque habang magtatagpo naman ang mga kababaihang atleta sa 3rd Women’s Martial Arts sa Tiendesitas sa Greenhills, San Juan.

Kapwa inoorganisa sa tulong ng Philippine Sports Commission, pinaglalabanan sa National Jiu-Jitsu Championships ang silya sa pambansang koponan sa ilalim ng Jiu-jitsu Federation of the Philippines pati na rin ang posibilidad na makasama sa delegasyon ng Pilipinas na lalahok sa gaganapin na Asian Beach Games sa Bali, Indonesia.

Isa sa mga naghahangad na mapabilang sa koponan ang 9th time Southeast Asian Games gold medalist sa judo na si John Baylon.

Kasabay na isasagawa ng PSC ang programa nito sa Women In Sports na 3rd Women’s Martial Arts Festival, na isang all-female national competition, simula Abril 22 hanggang 24. Isinasagawa ang Pre-Tournament Activities sa PhilSports Complex habang sa Abril 23 at 24 ang tournament proper sa Tiendesitas, Pasig City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ilan sa paglalabanang sports ay ang arnis, boxing, fencing, judo,karatedo, muay-thai, penkat-silat, taekwondo, wrestling at wushu.

Libre ang pagsali sa mga torneo.