Derrick Monasterio (4) copy

MASAYA ang album launch ni Derrick Monasterio sa Victorino’s restaurant sa Quezon City. Self-titled ang kanyang album na ilang taon nang hinihingi ng fans and friends sa 20 year-old actor/singer. Dream come true para kay Derrick at sa mga nagmamahal sa kanyang ang debut album niyang ito.

“Music po talaga ang nasa puso ko nang pasukin ko ang showbusiness, pero mas nauna nga po ang acting,” kuwento ni Derrick. “Singing is my first love, member ako ng choir namin noon sa Claret School. I even joined several singing competitions at school, at ilang beses na rin akong nakasama sa mga competitions abroad na ipinadadala kami ng school. Kaya ngayong narito na, nagawa ko na ang debut album ko, masasabi kong nagsimula ang success ko nang bigyan ako ng GMA Records ng album, maraming-maraming salamat po.”

Seven songs ang nilalaman ng album, tatlo ang original, ang Paano Nga Ba, BatoBalani at Reyna. Ang version niya ng Give Me One More Chance na original ni Gary Valenciano ang carrier single niya. Ang dalawa pa ay ang Kailangan Kita at Kailangan Mo, Kailangan Ko na duet nila ni Hannah Precillas, ang grand winner ng Bet ng Bayan. May bonus track, ang Ang Aking Puso na duet naman nila ni Julie Ann San Jose at may MTV.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ano ang pagkakaiba ni Derrick sa ibang singers na may album na rin?

“Kung ano po ang tunog ko sa recording, ganoon din ang tunog ko sa personal. Confident ako na kaya kong kantahin ang songs nang live.”

Excited na si Derrick na simulan ang kanyang mall tour at dream din niyang magkaroon ng concerts.

Inamin ni Derrick na todo kayod siya dahil siya ang breadwinner ng kanilang pamilya, kaya happy siya na bukod sa Vampire Ang Daddy Ko ni Vic Sotto, mayroon siyang Hanggang Makita Kang Muli, ang afternoon prime series sa GMA-7 na pinagtatambalan nila ni Bea Binene. Sad nga lamang siya, dahil nag-last taping day na sila ng Vampire Ang Daddy Ko, pero hindi siya sure kung hanggang kailan sila mapapanood tuwing Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

(NORA CALDERON)