Plano ng pangunahing migrant advocate group na magsampa ng kaso laban sa Commission on Election (Comelec) dahil sa kapabayaan nito, na nagbunsod upang mapakialaman ng mga hacker ang database ng komisyon at maisapubliko ang mahahalagang impormasyon ng libu-libong botante.

“Migrante Party-list is mulling filing legal charges against the Comelec for the data leak. Sanctions must be implemented, and those whose information were leaked should be sufficiently compensated,” saad sa pahayag ng kinatawan ng Migrante na si Garry Martinez.

Nitong Huwebes, dumagsa ang reklamo ng mga rehistradong botante laban sa Comelec na nagsabing ilegal na nakopya ang kani-kanilang personal information mula sa website ng poll body at naisapubliko ang mga ito sa website na www.wehaveyourdata.com.

DELIKADO SA IDENTITY THEFT

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inamin naman ng mga opisyal ng Comelec ang nangyari, agad na humingi ng paumanhin sa publiko, at tiniyak na iniimbestigahan na ang insidente.

“The 1.3 million OAVs (overseas absentee voters) are most vulnerable because their passport details have been exposed. Matched with their names, photos, birth dates and signatures, they are more open to different types of fraud because their personal information is 99% accurate. This means that their information can be used not only for electoral fraud but identity theft, as well,” paliwanag ni Martinez.

“Heads must roll. We hold the Comelec mainly accountable for this security breach,” dagdag pa niya.

Nagpahayag ng pagkabahala ang Migrante sa insidente dahil kinukumpirma umano nito ang kawalang kakayahan ng Comelec na proteksiyunan ang mga website at database nito, ilang linggo bago ang eleksiyon sa Mayo 9.

Binuksan nitong Huwebes ang www.wehaveyourdata.com ilang oras makaraang maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga nag-hack sa website ng Comelec nitong Marso, ang 23-anyos na IT graduate na si Paul Biteng.

PAYABANGAN

Sa press conference kahapon, sinabi ni NBI Director Virgilio Mendez na batay sa imbestigasyon, hindi affiliated si Biteng sa sinumang kandidato o sa alinmang partido pulitikal, at hindi nito isinagawa ang hacking para kumita kundi para may maipagyabang sa iba pang hackers.

Ayon kay Francis Señora, agent on case, itinuturing na “master” ng mga kapwa hacker si Biteng dahil ilang taon na itong nagha-hack ng mga website, kabilang ang 25 pag-aari ng gobyerno, gaya ng Civil Service Commission at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Samantala, kasunod ng babala ng Comelec sa publiko nitong Huwebes na huwag gamitin ang www.wehaveyourdata.com upang hindi makompromiso ang iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanila, nag-tweet kahapon ng umaga si Comelec Spokesman James Jimenez para sabihing naipasara na ang nasabing website nitong Huwebes ng gabi, sa pakikipagtulungan ng web hosting company at ng United States Department of Justice. (SAMUEL MEDENILLA at ARGYLL CYRUS GEDUCOS)