NANG lumantad at magdeklara ang kanyang mga katunggali sa pagkapangulo, makailang beses tumanggi si Davao Mayor Rodrigo Duterte nang tanungin siya kung tatakbo rin siya bilang susunod na pangulo ng bansa. Sa katunayan nga, sa huling araw ng pagsusumite ng certificate of candidacy (CoC), hindi siya sumipot kahit inaabangan siya ng kanyang mga kapanalig, na nagpakalbo pa bilang tanda ng kanilang pagsuporta, sa harap ng opisina ng Commission on Elections (Comelec). May nagsumite ng kanilang CoC bilang kandidato sa panghuluhan ng PDP-Laban sa huling araw na iyon na pinalitan naman ni Duterte sa huling araw ng substitution na itinakda ng batas pagkatapos niyang tumanggi ng maraming beses.

Nang mabagot siya sa traffic dahil noong mga panahong iyon ay naririto si Pope Francis sa ating bansa, nagmura siya.

Bagamat sinabi niyang huwag na muling pupunta ang Santo Papa sa ating bansa, hindi umano si Pope Francis ang kanyang minumura kundi ang traffic. Katakut-takot na batikos ang kanyang natanggap, lalung-lalo na sa simbahan. Kamakailan, naiulat na humingi siya ng paumanhin sa Papa at pinatawad naman siya.

Itong huli, ginawa naman niyang biro ang panggagahasang ginawa ng mga bilanggo sa isang Australyanang misyonaryo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Maganda aniya ang babae at mukhang artista. Nagalit daw siya dahil pinilahan ito at paulit-ulit na ginahasa. Sana, wika niya, nauna ang mayor. Hindi ito naging katanggap-tanggap sa publiko, lalo na sa mga kababaihan. May grupo nga ng mga kababaihan na nagsampa ng reklamo laban sa alkalde sa Comission on Human Rights (CHR). Ang buwelta niya sa mga nagreklamong kababaihan at sa CHR: “Go to hell.” Binuweltahan din niya ang mga ambassador ng Australia at Amerika na nagbigay ng kanilang reaksiyon sa kanyang rape joke.

Ayon kasi sa Australian ambassador, hindi raw dapat ginagawang biro at binabalewala ang kasong panggagahasa. Para sa ambassador ng Amerika, siya raw ang kanilang Donald Trump. Si Trump ang lumalamang sa kanyang mga kalaban para maging kandidato-opisyal ng Republican Party sa pagkapangulo ng Amerika pero isunusuka siya ng partido dahil sa kanyang animo’y biro na posisyon sa mga isyu. Sabi ni Duterte sa dalawang ito: “Shut up!” Hindi raw siya manghihinayang na magkalamat ang relasyon ng ating bansa sa kanilang bansa kapag siya ang naging pangulo. Dapat tanggapin daw nila kung sino siya. Ang problema, nangangako siya na wawakasan niya ang krimen, droga at katiwalian sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan kapag siya ay nanalo, hindi kaya biro rin ito? (Ric Valmonte)