MANGATAREM, Pangasinan - Inaresto ang isang barangay treasurer matapos mahulihan ng ilegal na droga sa bayang ito.

Sa report ng Mangatarem Policem sinalakay ang bahay ni Albert Costales, 46, may asawa, treasurer ng Barangay Quezon, dakong alas 6:00 ng umaga nitong Abril 20.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte sa Dagupan City, nakumpiska mula sa suspek ang isang light brown na pouch na may tatlong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang glass tube, dalawang aluminum foil, at iba pang drug paraphernalia. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol