Mga laro ngayon

(MOA Arena)

11:30 n.u. -- Ateneo vs. NU (m)

4 n.h. -- Ateneo vs. La Sale (w)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kung preparasyon ang pagbabasehan, mas nakalalamang ang Ateneo Lady Spikers. Ngunit, iba ang katauhan ng La Salle Spikers sa sandaling makaharap ang mahigpit na karibal.

Aksiyong umaatikabo ang masasaksihan ng volleyball fans sa pagtutuos ng Ateneo at La Salle sa Game 1 ng UAAP Season 78 best-of-three championship series sa women’s volleyball ngayon, sa MOA Arena.

Inaasahang mapupuno hanggang sa atip ng arena ang daragsang manonood para masaksihan ang duwelo na tunay na nagpapataas ng dugo sa bawat isa.

“Alam naman nating itong finals againts Ateneo ang inaabangan. Sa parte naming, naghahanda kami para naman hindi kami maging kahiya-hiya,”sambit ni La sale coach Ramil de Jesus.

“Medyo lamang sila sa pahinga dahil nakaabante sila sa finals ng maaga,” aniya.

Taliwas sa Blue Eagles na agad na nasibak ang University of the Philippines sa kanilang Fibnal Four showdown, dumaan sa matandang kawikaan na “butas ng karayom” ang Lady Spikers matapos maipuwersa ng Far Eastern U Lady Tamaraws ang kanilang serye sa ‘do-or-die’.

Kahit, nagwagi ang La Salle sa straight set sa “sudden death”, lumaban ng todo ang FEU.

Iginiit naman ni Ateneo Thai coach Tai Bundit na walang nakalalamang sa serye.

“Ateneo is better, La Salle is also better.,” pahayag ni Bundit.

“We are alike in training and in tactics so the players who will play better during the game will win,” aniya.

Target naman ng Ateneo na makumpleto ang “twin victory” sa pagabak ng Blue Eagles kontra National U Bulldogs sa best-of-three series sa men’s division.

Nakatakda ang laro ganap na 11:00 ng umaga. (Marivic Awitan)