KAPAG nabanggit ang salitang “love”, ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang pagmamahal na nararamdaman ng mga magkasintahan o ang sekswal na pagmamahalan ng mga mag-asawa.

May iba pang uri ng pagmamahal katulad na lamang ng natural affection na tinatawag na “storge” o “phileo” na siyang nararamdaman ng magkakapatid o kaya’y matalik na kaibigan. Masaya tayo kapag kasama natin sila.

Ang pinakamataas na uri ng pagmamahal, ayon sa psychologist ay ang “agape” o ang selfless love. Ito ay ang pagmamahal na walang hinihingi o inaasahang kapalit.

Ngayong ikalimang Linggo ng Easter, ayon sa ebanghelyo, sinabi ni Jesus sa Huling Hapunan na ang pinakamahalagang uri ng pagmamahal na kailangang malaman ng kanyang mga tagasunod ay ang selfless love. “I give you a new commandment: Love one another as I have loved you. By this, everyone will know that you are my disciples” (Jn 13,34).

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kapag tinukoy ni Jesus ang pagmamahal, nais niyang iparating sa mga tao na gawin siyang halimbawa. Ang kanyang pagmamahal ay nadarama sa serbisyo, sakripisyo. Ito ang dahilan kung bakit niya sinabing, “A NEW commandment I give to you.”

Bukod pa riyan, ang pagmamahal ng isang Kristiyano ay hindi lamang nakabase sa nararamdaman—kahit na sa isang okasyon ay nakadarama tayo ng affection o inspirasyon na nakatulong naman. Ang pagmamahal sa Diyos ay pagsunod sa mga nais niyang mangyari sa ating buhay. Halimbawa, pagdating sa ating mga kapit-bahay, bilang tagasunod ni Kristo, dapat magkaroon ng malasakit, pagpapatawad o pagbabahagi ng kung anong mayroon tayo.

May isang maikling artikulo ang isang hindi nagpakilalang manunulat at ito ay pinamagatang “What Is Christianity?”

na sumasalamin sa nagmamahal na Kristiyano kaya,: “In the home it is kindness, in business it is honesty, in society it is courtesy, in work it is fairness.

”Toward the unfortunate it is pity; toward the weak it is help; toward the wicked it is resistance; toward the strong it is trust; toward the fortunate it is congratulations, toward the penitent it is forgiveness, toward God it is reverence and love.” (Fr. Bel San Luis, SVD)