ALLACAPAN, Cagayan - Napatay ang isang barangay tanod habang naka-duty sa Barangay Silagan, Allacapan.

Kinilala ni PO3 Saturnino Calimag Jr. ang biktimang si Osias Umblas, 66 ,may asawa, tanod sa Bgy. Silagan, Allacapan, Cagayan.

Ayon kay Calimag, dakong 9:45 ng gabi nitong Abril 19 at nakatayo si Umblas malapit sa barangay hall nang lapitan at barilin ito ng hindi nakilalang lalaki.

Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nabatid na may kinakaharap na frustrated homicide si Umblas sa piskalya, ngunit hindi binanggit ng pulisya na may kaugnayan ang kaso sa insidente. (Liezle Basa Iñigo)