KINAKAILANGANG muling buohin ng susunod na pangulo ng Pilipinas ang mga nasirang institusyon sa ating bansa. Sa nakalipas na mga taon, naging miserable ang mga pagsubok na dumaan sa ating buhay. Ang mga institusyong ito ay kinabibilangan ng Supreme Court (SC), mismong Office of the President, Ombudsman, Department of Justice (DoJ), Commission on Elections (Comelec), Philippine National Police (PNP),

Armed Forces of the Philippines (AFP), Senate, House of Representatives. Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Transportation and Communications (DoTC) at maraming iba pa.

Ang mga institusyong ito ay lubhang naapektuhan dahil sa sarili nilang pagkakamali, at ang mga kinikilingang hustisya ng administrasyon.

Hindi iboboto ng Simbahang Katoliko si Davao Mayor Rodrigo Duterte. Base sa inilabas na pahayag ng apat na Obispo, na pinangunahan ni Lingayin-Dagupan Archbishop Socrates Villages, President of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), malinaw na malinaw na hindi nila susuportahan si Duterte sa pagtakbo nito bilang pangulo ng bansa.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ayon sa mga aktibong grupo ng Provincial Press Clubs of the Philippines, Inc. (FPPC), matindi ang labanan sa pagitan nina dating DILG Secretary at Vice President JojoBinay, base sa obserbasyon ng community press na tanging sina Roxas at Binay ang may political machinery na makakaengganyo ng boto.

Si vice presidential candidate Bongbong Marcos, base sa mga survey na isinagawa ng ilang press club, ang nangunguna sa ilang rehiyon.

Ginawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng kanilang makakaya para makumbinsi ang overseas Filipino workers (OFWs) at mga Pilipinong naninirahan sa abroad na bumoto sa pamamagitan ng Philippine embassies.

Ang community press congress on climate change na pamumunuan ng beteranong manunulat na si Nestor Abrematea, sa Tacloban City sa Abril 27, ay naiurong pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo 9.

Inimbitahan si Dr. Allen Salas Quimpo, Chairman ng Bahkawan Eco-Park sa Kalibo, Akalan, na pangunahan ang nakatakadang climate change meet.

Hindi ako naniniwala na si dating RCBC branch manager NaiaDequito lamang ang nasa likod ng Bangladesh cyber heist. Nasisiguro kong marami pang tao ang sangkot dito. (Johnny Dayang)