Richard Yap sa 'Super D' copy

ISA na namang teleseryeng tatak-Dreamscape Entertainment ang araw-araw na inaabangan ng mga bata, ang My Super D, na tayming na tayming ang pagpapalabas dahil summer vacation na ng mga bagets.

Sinimulan na itong ipalabas sa ABS-CBN, bago mag-TV Patrol, at very refreshing panoorin dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay bida na si Dominic Ochoa. Kahit may edad na, bumagay sa kanya ang role bilang superhero dahil bigla ring mala-Superman na ang kanyang porma at dating.

Bukod kay Dominic , mahalaga rin ang role ni Sylvia Sanchez na gumaganap bilang nanay ni Super D at lola ni Marco Masa, ang anak nina Dominic at Bianca Manalo sa serye.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Marami rin ang pumupuri kay Bianca na bagong akting ang ipinapakita. In fairness, madali na nga siyang magpatulo ng luha at nag-level-up na talaga ang kanyang drama, ‘di gaya sa iba niyang serye o shows na puro rom-com.

Mang-aagaw ng eksena si Marvin Agustin bilang dating kababata nina Dominic at Bianca na paglaki pagpapatuloy ng istorya ay makakaagaw pala ni Dom sa asawa. Balikbayan si Marvin from the US at ginamit niya ang kanyang yaman para sirain ang pamilya ng mag-asawa, damay ang anak na si Marco.

Sa special screening ng pilot week episode, pinalakpakan ng mga bata sa audience si Marco na nakikipagsabayan ng aktingan sa mga beteranong aktor. Nagbida na sa Nathaniel si Marco at ganoon din ang child actor na si JV Agustin (playing young Marvin).

Espesyal ang role ni Noni Buencamino, isang mabait na dibuhista ng superhero characters at naging kakampi at nakakaalam ng sekreto ni Super D, na si Richard Yap pa ang gumaganap. Ipinakitang galing sa ibang planeta si Richard na may taglay na mala-Superman powers.

‘Yun nga lang, nawala ang power ni Richard nang ma-in love sa isang mortal. Dahil pinili ang love over power, ibinaon niya ang kanyang diyamante (na source ng kanyang superhero powers) sa natutulog na bulkan. Siya at ang kanyang mentor na si Noni Buencamino lamang ang nakakaalam ng nasabing lihim.

Hanggang sa pagdating ng panahong kaliwa’t kanan ang krimen, naisip ni Noni na muli itong hanapin at ibigay kay Dominic na nagligtas ng kanyang buhay nang madaganan siya ng poste sanhi ng pagguho ng isang building.

Bukod sa pagsagip sa kanya, napatunayan ni Noni ang mabuting kalooban ni Dominic at ang laging pagtulong sa mga naaapi. (ADOR SALUTA)