BANGKAY na nang matagpuan ang pop superstar na si Prince, kilala bilang isa sa most inventive musicians sa kanyang panahon dahil sa mga patok na awitin katulad ng Little Red Corvette, Let’s Go Crazy at When Doves Cry, nitong Thursday (April 21, 2016), sa kanyang bahay sa Minneapolis, ayon sa publicist niya. Siya ay 57.
Kinumpirma ng kanyang publicist na si Yvette Noel-Schure sa The Associated Press na patay na nang matagpuan ang music icon sa kanyang tahanan sa Chanhassen. Wala pang inilalabas na karagdagang detalye.
Sumikat ang tubong Minneapolis sa huling bahagi ng 1970s dahil pumatok ang kanyang mga awiting Why You Wanna Treat Me So Bad? at ang I Wanna Be Your Lover.
Taong 2004, napasama si Prince sa Rock and Roll of Fame, bilang pagkilala sa kanyang kahusayan sa musika at sa pagiging social trailblazer.
“He rewrote the rulebook, forging a synthesis of black funk and white rock that served as a blueprint for cutting-edge music in the Eighties,” mababasa sa dedication ng Hall.
“Prince made dance music that rocked and rock music that had a bristling, funky backbone. From the beginning, Prince and his music were androgynous, sly, sexy and provocative.” (Associated Press)