SINIGURO ni Pangulong Aquino na hindi niya hahayaang may mangyaring dayaan sa paparating na eleksiyon sa Mayo.

Inaasahan ang paniniguro. Yes sa malinis at kapani-paniwalang eleksiyon.

“I never cheated for myself… I have no intention to allow cheating. It is my obligation to ensure that what the Filipino people want will prevail come May 9,” inihayag ng Pangulo.

Ang boses ng taumbayan. Hayaang ihayag ang kanilang saloobin.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Nagbiro si PNoy at sinabing mayroong dalawang uri ng kandidato sa Pilipinas: ang kandidatong nanalo at ang kandidatong nadaya.

Aniya, tanggapin na lamang natin na hindi lahat ay mananalo.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na hindi na dapat pang bigyan ng pagkakataon ang kandidatong walang maiaambag na kabutihan sa pamamahala sa bayan.

Kung kaya’t inirekomenda niya sa sambayanan sina Mar Roxas at Leni Robredo.

Ayon naman sa kapatid ni PNoy na si Kris Aquino, hindi lamang tuwid na landas ang kailangang tahakin n gating bansa kundi kailangan ding maging progresibo, at sinabing nasimulan na ng kanyang kapatid ang pundasyon bilang isang maunlad na bansa.

“Love Daang Matuwid, love my brother.” aniya.

Samantala, pinakilala na ng Commission on Elections (Comelec) ang walong political party at anim na local party sa eleksiyon sa Mayo 9.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10094, ang walong political party ay ang Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Partido Demokratiko Pilipino-Lakasng Bayan (PDP-Laban), Kilusang Bagong Lipunan (KBL), Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Aksyon Demokratiko, at ang National Unity Party (NUP).

Mas marami, mas masaya.

Ang anim na local party ay ang Kusog Baryohanon (KB) for Davao del Norte, United Negros Alliance (UNEGA) for Negros Occidental, Partido Abe Kapampangan (PAK) ng Angeles City, Arangkada San Joseno (ASJ) ng San Jose del Monte City, Achievement with Integrity Movement (AIM) ng General Santos City, at ang Kabalikatng Bayan ng Kaunlaran (KABAKA) sa National Capital Region. (Fred M. Lobo)