Umaatikabong aksiyon ang masasaksihan sa pagtutuos ng defending champion Tropang Talk ‘N Text at Alaska Aces sa “sudden death” ng kanilang duwelo sa quarterfinal ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup ngayon, sa Smart-Araneta Coliseum.

Naitabla ng Aces ang duwelo sa Tropang Texters matapos maitala ang 85-81 na panalo nitong Miyerkules. Nagwagi ang TNT sa Game 1 ng kanilang best-of-three series, 106-99, nitong Linggo.

“Talk N Text had 81 points. I’m so happy with the way we defended,” pahayag ni Alaska coach Alex Compton.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna sa nasabing laro ang kanilang import na si Rob Dozier na nagtapos na may 18 puntos at 10 rebound, ngunit ang isa sa mga leading MVP candidate na si Calvin Abueva ang siyang nagsalba sa Alaska matapos itong magposte ng 15 puntos, limang rebound at tatlong assist.

Inamin ni TNT import David Simon na nahirapan sila sa depensa ng Aces.

“We turned the ball over way too muc. Some of it was from their defense, some of it, we just made bad plays. But definitely the staple of their game is to put pressure on the other team and it really got us,” sambit ni Simon.

Makakaharap ng Meralco Bolts sa semifinals ang mananalo sa duwelo ng TNT at Alaska. (Marivic Awitan)