Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng hindi pangkaraniwang init at lagkit ng panahon dahil sa nagpapatuloy na El Niño event at “highly probable” ang heat stress sa ganitong panahon.

Binanggit ang mga obserbasyon kamakailan, sinabi ni PAGASA Acting Administrator Dr. Vicente Malano na “above average with high relative humidity” ang namamayaning air temperature sa maraming lugar sa bansa.

Ang average maximum air temperature sa ilang istasyon ay naitala sa mahigit 1.5 degrees Celsius na mas mataas kaysa normal, partikular na sa General Santos City na palaging naitatala ang 3.0 degrees Celsius na mas mataas kaysa average maximum air temperature.

Ang pinakamataas na naitalang temperatura ngayong taon ay 39.6 degrees Celsius sa PAGASA-Isabela State University Station sa Echague, Isabela nitong Abril 14, nalagpasan ang highest air temperature noong nakaraang taon na 39.2 degrees Celsius sa Tuguegarao City.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Ang highest temperature reading ngayong taon ay ang 37.7 degrees Celsius na naitala sa Metro Manila at nalagpasan ang highest temperature reading na 36.4 degrees Celsius sa Science Garden Station sa Quezon City noong nakaraang taon.

“This day-to-day weather will likely prevail in the coming days. Consequently, heat-related illnesses like heat cramps, heat exhaustion and heat strokes to some people, may rise and become a great health concern,” ani Malano.

Ang kasalukuyang El Niño ay inaasahang magtatapos sa Mayo, Hunyo o Hulyo. (ELLALYN DE VERA)