NEW ORLEANS — Iniuugnay sa maraming kadahilanan ang ang colorectal cancer, kabilang na rito ang hindi pagiging aktibo, paninigarilyo, at pagkain ng karne. Ngayon, nadiskubre sa bagong pag-aaral at ito ay nakakabigla: ang pagkakaroon ng mahabang binti.
Kumpara sa mga taong mas maiikli ang binti, ang mga taong may mahabang binti ay 42 porsiyento ang posibilidad na magkaroon ng colorectal cancer, ayon sa bagong pag-aaral na iprinisinta sa annual meeting ng American Association for Cancer Research, nitong Abril 19.
Lumalabas sa mga nakaraang pag-aaral na ang matatangkad na tao ay mas may posibildiad na magkaroon ng colorectal cancer, ayon kay Guillaume Onyeaghala, nagtapos ng epidemiology sa University of Minnesota at ang lead author ng bagong pag-aaral.
Nadiskubre ng mga researcher ang dalawang hypothesis na maaaring makapagpaliwanag sa ugnayan ng tangkad at pagkakaroon ng cancer, sabi ni Onyeaghala sa Live Science.
Isa sa mga posibleng dahilan ang mas mahabang colon ng matatangkad na tao, ayon kay Onyeaghala.
Ang tanging iniugnay sa nasabing sakit ay ang mahabang binti; hindi iniuugnay ng mga researcher ang kabuuang taas ng isang indibiduwal, ani Onyeaghala.
Dahil may kaugnayan ang kasarian sa height, magkahiwalay na pinag-aralan ng researchers ang babae at lalaki. Lumabas sa resulta na ang mga lalaking may mahabang binti (na 35.4 inches, o 90 centimeters) ay 91 porsiyento ang poasibilidad na magkaroon ng colorectal cancer kumpara sa mga lalaking may maikling binti, ayon kay Onyeaghala. Sa babae naman, walang gaanong pinagkaiba ang panganib base sa haba ng binti. (LiveScience.com)