KRIS copy copy

MAY mga bumatikos kay Kris Aquino nang kumalat sa social media ang paggamit daw niya ang presidential chopper para sumama sa kampanya ng Liberal Party sa Argao, Cebu noong Martes, Abril 19.

Pinadalhan ni Bossing DMB ng mensahe si Kris para kunan ng pahayag tungkol sa nasabing isyu pero hindi pa sumagot ang kapatid ni Presidente Noynoy Aquino na ayon sa reports ay busy uli sa kampanya sa Angeles City, Pampanga kahapon.

Ang Malacañang ang mabilis na nagtanggol kay Kris, sa pamamagitan ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr. na nagpadala sa pamamagitan ng text message sa press corp.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Aniya, “Members of the President’s immediate family are allowed to ride with him in official government vehicles.”

Base naman sa report ng PEP, ang mga larawan ay hindi kuha sa Dalaguete, Cebu na siyang sinasabi sa mga naunang social media posts, kundi sa San Carlos City, Negros Occidental.

Nabanggit na hindi rin daw campaign rally iyon kundi inauguration ng Solar Power Plant sa San Carlos Ecozone, sa Barangay Punao. Isinama ni PNoy ang kapatid sa ginanap na inauguration ng 59-megawatt Solar Power Plant sa Negros Occidental.

May lumabas namang artikulo buhat sa memebuster.net tungkol sa mga chopper na ginamit.

“Regarding the choppers, two of those were decoys and the other two were private choppers.

“The first family sat ONLY on one of those and that’s a PSG protocol.

“From San Carlos, the choppers flew to Dalaguete and then the LP traveled on road to Argao, Cebu.

“President Aquino and Kris Aquino are allowed to use the choppers because the 250th (Presidential) Airlift Wing of the Philippine Air Force (PAF) has the mandate of providing safe and efficient air transport for the President of the Philippines and the First Family.

“On occasion, the wing has also been tasked to provide transportation for other members of government, visiting heads of state, and other state guests.” (REGGEE BONOAN)