PORTOVIEJO (Reuters) – Isang malakas na 6.0 magnitude na lindol ang tumama sa Ecuador nitong Huwebes, habang nagsusumikap ang bansa na makabangon sa mapinsalang lindol na ikinamatay ng 587 katao, sinabi ng U.S. Geological Survey (USGS).
Ang sentro ng pagyanig ay nasa 100 km hilaga-hilagang kanluran ng Portoviejo at sa lalim na 10 km, ayon sa USGS.
Hindi pa malinaw ang pinsalang idinulot nito.
Niyanig ng 7.8 magnitude na lindol ang Ecuador noong Abril 16.